trapiko sa EDSA
Metro

PNP-HPG, sinimulan na ang pagmamando ng trapiko sa EDSA

SINIMULAN na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pagtulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagmamando ng trapiko sa EDSA ngayong Lunes.

Alas-5:00 ng umaga, pormal nang ideploy ang nasa 43 tauhan ng PNP-HPG sa EDSA.

Magmamando ang PNP-HPG ng traffic sa mga intersection ng EDSA mula Timog Avenue hanggang Ortigas Avenue at vice versa hanggang ala-1 ng madaling araw.

Maliban sa pagmamando, sinabi ng MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na tutulong din ang PNP-HPG sa MMDA sa clearing operations.

Layong ng pagtutulungan ng dalawang ahensya na maibsan ang matinding trapiko sa mga pangunahing kalsada.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *