banta ng ISIS
National

PNP, hindi muna magtataas ng anumang alerto sa gitna ng banta ng ISIS

HINdi muna magtataas ng anumang alerto ang Philippine National Police (PNP) sa gitna ng banta ng ISIS sa Northern Luzon.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na bineberipika pa nila ang mga impormasyon mula sa ground hinggil sa plano ng teroristang grupo.

Pero hangga’t wala pa aniyang kumpirmasyon ay mananatili munang normal ang alert status ng PNP.

Sinabi ni Albayalde na batid nila na target ng mga ISIS ang mga simbahan kapag ito ay umaatake kung kaya’t magpapatupad na rin sila ng “target hardening measures” sa Northern Luzon.

Kabilang aniya sa gagawin ng pambansang pulisya ang pagpapaigting ng Oplan Sita, pagiging aktibo sa checkpoints at police visibility sa mga lugar na nabanggit sa memo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *