pag-brainwash
National

PNP health services, apektado sa pagpapasara ng PCSO outlets

AMINADO ang Philippine National Police (PNP) na apektado ang kanilang health services ng pagsasara ng mga PCSO outlets.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na kabilang sa mga maapektuhan nito ay ang pambili ng mga gamot at posible rin ang pambili ng equipments.

“Una yung health kasi yung as we all know I just don’t know kung ilang percent ‘yung binibigay ng PCSO sa law enforcement particularly sa PNP, ang usually na ginagamit diyan sa health services ng PNPs,” pahayag ni Albayalde.

Gayunpaman, mayroon naman aniyang silang natatanggap na pondo mula sa Office of the President na maaari nilang gamitin sa health services.

“We also receive P25 million coming from the Office of the President meron kaming additional P25 milyon for purchase of a medicine ‘pag naubos yun na re-replinish it’s not a no irregular basis na monthly ‘yung pera na ‘yun pero once na  naubos ‘yun nagbibigay ulit yung ating president,” aniya pa.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit tatlumpung libong PCSO outlet ng Lotto, STL at ibang sugal ang naipasara na ng PNP sa buong bansa.

Samantala, tiniyak ng DOLE na nakahanda silang tumulong sa mga naapektuhan ng pagkakahinto ng mga laro ng PCSO.

Inihayag ni Labor Sec. Bebot Bello na maaari silang magbigay ng tinatawag na emergency employment and assistance sa manggagawang nawalan ng trabaho kasunod ng kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte.

Maliban dito ay maaari ring ma-avail ng mga apektado ang Social Security Reform Act kung saan ay maaaring mag-aplay ang mga ito ng unemployment insurance.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *