Handang makulong
National

Dating CIDG chief Benjamin Magalong, handang makulong sakaling gumawa ng ligal na aksyon si PNP chief Oscar Albayalde

HANDA umanong makulong si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sakaling kasuhan ito ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

Ito ay matapos kunin ni Albayalde ang serbisyo ng beteranong abogado na si Estelito Mendoza para sa balak nitong pagsasampa ng kaso sa mga nang-aakusa sa kanya hinggil sa isyu ng “ninja cops,”.

Sinabi ni Magalong na malinis ang kaniyang konsensya at nalaman ng publiko ang paglaban niya sa kasinungalingan.

Tiniyak ni Magalong na sapat ang hawak nilang mga ebidensya laban kay Albayalde sa kabila ng banta nitong pagsasampa ng kaso.

Matatandaan na paulit-ulit nang itinanggi ni Albayalde ang mga paratang laban sa kanya at iginiit nitong pinagkakaisahan lamang siya ng mga nag-aakusa sa kanya.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *