PLDT, magsasagawa ng limang araw na emergency maintenance

PLDT, magsasagawa ng limang araw na emergency maintenance

MAGKAKAROON ng limang araw na emergency maintenance activities ang PLDT.

Sa Facebook post, sinabi ng PLDT na magsasagawa ng maintenance ang Asian American Gateway o AAG sa Submarine Cable simula alas 8 ng umaga bukas, Septyembre 25 hanggang sa alas 5 ng umaga ng Miyerkules, Septyembre 30.

Ang AAG ay isa sa mga internationl cable system na ginagamit ng PLDT.

Tiniyak naman ng PLDT na nagpatupad na sila ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng naturang aktibidad sa kanilang mga subscriber at masiguro na mananatili ang kanilang mga serbisyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *