Pinsala ng Bagyong Ulysses sa Luzon, nasa P10-B na; 73 katao, nasawi —NDRRMC

Pinsala ng Bagyong Ulysses sa Luzon, nasa P10-B na; 73 katao, nasawi —NDRRMC

TUMAAS pa ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ulysses sa Luzon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, mahigit 4 na bilyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong Ulysses sa agrikultura sa Region 1, Region 2, Region 3, Calabarzon, Region 5, Cordillera Administrative Region at NCR.

Habang mahigit 6 na bilyong piso sa imprastraktura sa Region 1, Region 2, Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, CAR at NCR.

Umabot sa 835,599 pamilya o 3,512,784 indibidwal ang naapektuhan sa 5,898 barangay sa Region 1, Region 2, Region 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, NCR at CAR.

Samantala, 73 indibidwal ang nasawi, 24 ang nasaktan at 19 ang nawawala dahil sa bagyo.

Nagpadala naman si PNP chief Police General Debold Sinas ng anim na truck ng relief goods para sa Cagayan Valley.

Pero dadaan muna ito sa Police Regional Office (PRO 3) para sabayan ang apat pang truck ng relief goods na magtutungo rin sa Cagayan Valley.

Kabilang sa dala ng mga truck ay 202 sako ng bigas, 50 kahon ng noodles, 5 sako ng asukal, 500 mineral water, condiments, walis, 300 face shields, 300 face masks, 200 kumot, pinaglumaang damit, raincoats, search and rescue vests at search lights.

Nagbigay din ang Police Community Affairs and Development Group ng 1,000 bag ng relief goods na naglalaman ng bigas, delata, noodles, at condiments.

Ang Soroptimist International ay nagbigay naman ng 400 bags ng assorted relief items habang ang Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT) ay mayroong 300 bags ng assorted goods.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *