Chinese ship
National

Pinoy fishing vessel, lumubog matapos banggain ng Chinese ship sa WPS

LUMUBOG ang isang Pinoy fishing vessel matapos banggain ng isang Chinese ship sa bahagi ng Recto Bank sa West Philippine Sea nitong gabi ng Hunyo 9.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos i-report sa mga otoridad ng isang mangingisda ang insidente.

Mariing kinondena ni Lorenzana ang hindi pagtulong ng Chinese vessel nang lumubog ang FB Gimver 1 na lulan ang may 22 Pilipinong mangingisda.

Batay sa report, nangyari ang insidente habang nakaangkla ang FB Gimver 1 nang banggain ito ng Chinese vessel.

Sa tulong ng mga Vietnamese fishing vessel ay na-rescue ang mga mangingisdang Pinoy.

Inatasan na rin ng AFP ang BRP Ramon Alcaraz na irekober ang lumubog na barko.

Magsasagawa ng pormal na imbestigasyon at diplomatic steps ang DND upang hindi na maulit ang insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *