Pinoy champ
Sports

Pinoy champ Pacquiao, malaki ang tsansang maiuwi ang kampeonato kontra kay Thurman

MALAKI ang paniniwala ng boxing analyst na si Renato Lirio na muling maipapanalo ng Pinoy champ at Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang magiging match nito kontra kay Keith Thurman.

Sa naging panayam ng SMNI News kay Mr. Lirio, aniya hindi madedetermina at magiging basehan ang age gap ng dalawa para hindi magwagi si Pacman.

Dagdag pa nito na nasa magandang kondisyon ang katawan ng Pinoy champ sa kabila ng kaniyang edad.

Pagbabahagi pa ni Lirio na nanatili sa ating pambansang kamao ang kaniyang speed, power at master of mind na pinamalas nito sa mga nakaraang match at nagbigay sa kaniya ng siguradong panalo.

Sa kabilang banda, hindi din aniya uubra ang sinasabi ni Thurman na siya ay undefeated dahil sa hindi mabilang na mga undfeated boxer na ang napadapa ni Pacman.

Magaganap ang bakbakan nina Pacman at Thurman, bukas sa MGM Grand Garden Arena.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *