Pinoy Cartoonist Mannix Abrera, gagawa ng ‘Batman’ cover para sa DC Comics

Pinoy Cartoonist Mannix Abrera, gagawa ng ‘Batman’ cover para sa DC Comics

IBINAHAGI ni Cartoonist Mannix Abrera na nakipag-ugnayan sa kanya ang DC Comics para sa isang variant cover ng Batman: The Knight.

Ito aniya ang kauna-unahan nitong collaboration sa pagitan ng US Publication.

Sinabi ni Abrera na nakaramdam sya ng pressure dahil dito subalit naniniwala naman syang gusto ng DC Comics ang kanyang art style kung kaya’t nababatid nyang magugustuhan nito ang kanyang gawa.

Ipinasilip naman nito ang kanyang disenyo na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Si Abrera ay kilala sa kanyang Kikomachine Komix na naglalaman ng kanyang mga opinyon sa mga bagay-bagay dito sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *