National

Piñol nag-sorry kay Andanar sa banat na mabagal na media ops ng palasyo


Nag-sorry na si Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar dahil sa komento niyang mahina umano ang media operations ng palasyo.
Ayon kay Andanar, napag-usapan na nila ni Piñol sa telepono ang nasabing isyu.
Sinabi ni Andanar kay Piñol na kapag may pagkakataon ay ipakikita niya rito ang mga plano ng PCOO para pasiglahin ang government media.
Matatandaang sinabi ni Piñol na mahina ang media operations ng Malacañang para ipaliwanag na hindi kayang manipulahin ng palasyo ang resulta ng Time Magazine poll na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *