Pinay tennis player Alex Eala, namamayagpag sa French Open

Pinay tennis player Alex Eala, namamayagpag sa French Open

TULOY-tuloy ang magandang performance na ipinapamalas ng Pinay tennis player na si Alex Eala sa nagpapatuloy na French Open Juniors Tournament.

Ito ay matapos na nagwagi sa second round ng torneyo si Eala laban kay Mara Guth ng Germany sa iskor na 6-1, 5-7, 6-4.

Dahil sa naturang panalo, aabante na ang 15-year-old Filipina sa third round.

Makakaharap naman nito ang Spanish player na si Leyre Romero Gormaz.

Samantala, inaabangan na rin ngayong araw ang magiging laban ni Eala at American partner nitong si Elvina Kalieva sa doubles tournament kung saan makakaharap nila sa unang round ang Italian duo Lisa Pigato at Eleonora Alvisi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *