Heart Evangelista
Showbiz

Pinay actress Heart Evangelista, pasok sa top 10 influencers

PASOK ang Pinay actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa listahan ng top 10 influencers ng katatapos lang na New York at Paris Fashion Week.

Dahil sa hindi makakailang de-kalibreng fashion style ni Heart ay nakuha nito ang Top 9 spot sa pinaka-agaw pansing icon sa dalawang pamosong fashion event.

Batay sa datos ng IPSOS umani si Heart ng mahigit 6 million impression sa social media.

Kaya naman proud na proud at very thankful ang Filipino star ng ibahagi sa kaniyang fans ang panibagong achievement nito.

Kahilera ni Heart sa naturang listahan ang ilang international celebrities gaya nina Cardi B, Victoria Justice, Christina Aguilera at Anna Kendrick.

Noong nakaraang araw nang bumalik sa bansa si Heart matapos ang ilang araw na pagrampa sa New York at Paris Fashion Week.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *