Pilot pooled testing sa bansa, nakatakdang umpisahan bukas ayon sa Malakanyang

Pilot pooled testing sa bansa, nakatakdang umpisahan bukas ayon sa Malakanyang

INAASAHANG umpisahan bukas ang pilot pooled testing sa bansa makaraang dumaan ito sa requirements at pag-apruba ng Philippine Society of Pathologist.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasagawa ang pilot pooled testing sa Lungsod ng Makati mula lima hanggang sampu katao sa  bawat testing kit.

Sa pooled testing, isang test kit lamang ang gagamitin sa kada 5 hanggang 10 taong kukuhanan ng specimen o samples.

Woodprofit

Kapag lumabas na negatibo ang resulta ng test, ibig sabihin, negatibo sa coronavirus ang lahat ng 5 o 10 tao na nakuhanan ng specimen.

Pero kung nagpositibo naman ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinuhanan ng samples upang isalang muli sa test hanggang sa matukoy kung sino sa kanila ang talagang nagpositibo sa COVID testing.

Kaugnay nito, pinaiigting pa ang testing capabilities para masiguradong  tamang tools ang ginagamit sa pagtukoy ng COVID-19 infection.

Tutugunan din ang hinggil sa contact tracing and isolation protocols; transportation and workplace safety guidelines; proper distribution of social amelioration; at kakulangan ng healthworkers.

Ang hakbang ay matapos ang ginawang pagpupulong ng Department of Health (DOH) at mga kinatawan ng 100 samahan ng mga doktor at manggagawa sa sektor ng kalusugan kung saan babalangkas ang binuong working group ng kalutasan sa mga kritikal na isyu na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Sa nasabing meeting, natukoy na rin ang mga tatayong kinatawan sa working group mula sa DOH at Alyansa ng mga Medical Professional.

Mga health worker, tunay na pinapahalagahan ni Pangulong Duterte —Panelo

Samantala, ipinababatid ni Sec. Salvador Panelo, Presidential Legal Counsel, kung gaano ka importante, kamahal at pinahahalagahan ni Pangulong Duterte ang mga health worker.

PHOTO JOB

Ito ay sa gitna ng banat ng ilang kritiko na dapat hindi umano nagagalit ang pangulo sa ginawang hakbang ng medical professionals.

Nagpaliwanag naman si Panelo kaugnay ‘revolution remark’ ng Punong Ehekutibo.

Ani Panelo, ang pinapatungkulan ni Pangulong Duterte in general, ay hindi ang mga health worker, kundi ang mga karaniwan na nanghihikayat ng galit sa gobyerno gaya ng mga komunista at terorista na naghahasik ng lagim.

Gayunman, iginiit ni Panelo sa samahan ng mga doktor at nurse na dapat direkta nilang ipinaabot sa  opisina ni Pangulong Duterte ang kanilang liham dahil tiyak namang tutugon agad ang Presidente lalo pa’t mga medical frontliner na ang umaapela.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *