Pilipinas, wala pang namonitor kaugnay sa pekeng Pfizer na naglipana sa ibang bansa

Pilipinas, wala pang namonitor kaugnay sa pekeng Pfizer na naglipana sa ibang bansa

WALA pang namomonitor ang Pilipinas na may nakapasok na pekeng bakuna ng Pfizer na namataan sa Mexico at Poland.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

“Meron na po kasing pinalabas na global media alert ang World Health Organization kung saan meron ngang mga pekeng bakuna na diumano na Pfizer na bakuna na nabebenta sa mga bansang Mexico at Poland,” pahayag ni Malaya.

Ayon pa kay Usec. Malaya, nakikipag-ugnayan na ang DILG sa Food and Drug Administration (FDA) at maging sa Bureau of Customs (BOC) upang hindi makapasok sa bansa ang mga pekeng bakuna.

Kaugnay nito, nananawagan ang DILG na i-report kaagad sa kagawaran kung may mamataang pekeng bakuna na binebenta online o sa labas ng mga ospital.

Palasyo, hinimok ang mga OFW na magpabakuna kontra COVID-19

Samantala, hinimok na Malacañang ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga kung saan nagtatrabaho ang mga ito kung maaari.

Nanawagan si Roque sa mga OFW na magpabakuna dahil ang alam nito ay sakop ng bansa ang lahat ng nandito.

Mayroon lamang 3,540,600 dosis ng COVID-19 suplay ang Pilipinas sa ngayon.

Sa bilang na ito, 1,562815 indibidwal na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine habang 246,986 na ang nakakumpleto ng unang dalawang dosis ng COVID-19 jab.

(BASAHIN: Pilipinas, nakikipagnegosasyon na para sa 20-40M Pfizer vaccine)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *