pinakamalaking nickel producer
Business National

Pilipinas, tinitingnang pinakamalaking nickel producer sa mundo

TARGET ngayon ng Philippine Nickel Industry Association, Inc ang maging pinakamalaking nickel producer sa mundo ang Pilipinas sa taong 2020.

Dahil malaki ang potensyal ng bansa na makapagproduce ng nickel.

Nakikita din ng PNIA na isang sustainable na industriya ang nickel mining na maaring makatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay hawak ng Pilipinas ang 2nd spot bilang pinakamalaking nickel producer sa world trade.

Samantala, napakaloob sa roadmap 2020 ng PNIA ang madagdagan pa ang kasalukuyang 20% na ambag nito sa GDP ng bansa at tumaas pa ang job offer sa ilalim ng kanilang industriya mula sa 1.3 milyong trabaho.

Nilinaw naman ng PNIA na walang anumang kaso sa kalikasan ang kanilang nilalabag dahil pasado sila sa lahat ng environmental assessment at compliance at certified sila ng International Organization for Standardization at Integrated Management System.

Maayos din ang kanilang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga residente sa lugar kung saan sila nagmimina.

Sa katunayan, nagsasagawa ang kanilang organsisasyon ng mga development, reforestation, rehabilitation at community empowerment programs bilang kapalit sa mga kinukuha nila sa kalikasan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *