Pilipinas, posibleng maranasan ang sitwasyon ng Indonesia kung tuluyang kakalat ang Delta variant – OCTA Research

Pilipinas, posibleng maranasan ang sitwasyon ng Indonesia kung tuluyang kakalat ang Delta variant – OCTA Research

POSIBLENG maranasan ng Pilipinas ang sitwasyon ng Indonesia kung tuluyang kakalat ang Delta variant sa bansa ayon sa isang propesor ng OCTA Research.

Malaking banta ang Delta variant dahil kapag nakapasok ito sa katawan ng tao, isang libong beses itong mas maraming viral particles kung kaya’t mas nakakahawa ito kumpara sa ibang variant.

Dahil dito ayon kay OCTA-Research Professor Guido David sa panayam ng SMNI News, medyo nakakabahala na ang kaunting surge sa Metro Manila kung kaya’t dapat aksyonan agad ito.

Kung tuluyang kakalat aniya ang Delta variant, hindi malayong mangyari sa Pilipinas ang nangyayari sa India o Indonesia, ang bagong epicenter ng pandemya.

“Sa ngayon hindi pa natin ito nakikita sa NCR. May kunting pagtaas, yes, pero hindi sya ‘yung mabilisang pagtaas. Pero meron tayong nakitang pagtaas sa Bataan, sa Laoag, Ilocos Norte, na medyo mabilis ang pagtaas ng cases, eh. Pero hindi natin masasabing Delta variant ‘yan or not pero ang masasabi natin, ‘yun nga, medyo concerning ang bilis ng pagtaas dun. Pag mangyari kasi ‘yan at kumalat, we will have a situation possibly similar sa nakikita natin sa Indonesia and sa India,” pahayag ni David.

Iginiit naman ni David na kailangang maging pro-active ang pamahalaan sa pagtugon sa mapanganib na Delta variant at pikamahalaga aniya na ma-monitor ang border ng bansa upang maiwasan na makapasok ang naturang variant.

Nirerekomenda rin ni David ang pagsuot ng double facemask para sa proteksyon mula sa Delta variant.

Suhestyon din ng propesor na bawasan ang oras na nasa labas ang mga bata dahil gaya umano sa United Kingdom, karamihan ngayon sa tinatamaan ng virus ang mga kabataan dahil hindi pa bakunado ang mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *