Sports

Pilipinas, posibleng maging host country sa 40th Asian Games

KAHIT hindi pa tapos at nagpatuloy pa ang 30th Southeast Asian Games nakitaan na ng malaking tsansa na makapag-host ulit ang bansa sa darating na 40th Asian Games sa 2030.

Matapos na namangha at nakita ni Wej Jizhong, Olympic Council for Asia ang mga pasilidad sa New Clark City nang bumisita ito para saksihan ang SEA Games sa bansa.

Ayon kay Congressman Bambol Tolentino, presidente ng Philippine Olympic Committee, pagkatapos sa nagpatuloy na SEA games ay susulat ito sa Olympic Council of Asia para mag bid ulit para sa pag-host sa Asian Games.

Samantala, inanunsyo ni Cong. Tolentino na makakatanggap ng financial incentives ang mga gold medalist sa nagpapatuloy na SEA Games maliban ito sa dating inanunsyo ni Presidente Rodrigo Duterte at inasahan na sa unang pagkakataon ay magiging dagdag na incentives mula sa Philippine Olympic Committee. Pero hindi pa alam kung magkano ang maging halaga nito.

WILLIAM VALENCIA

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *