White List
National

Pilipinas, nananatili sa White List ng International Maritime Organization

NAPANATILI ng Pilipinas ang pagkakabilang nito sa White List ng International Maritime Organization (IMO).

ang Pagkakapanatili ng bansa sa “White List” ng IMO ay nangangahulugan na maganda pa rin ang status ng Pilipinas sa maritime industry at naabot ng bansa ang global seafaring standards.

Ayon sa International Maritime Organization (IMO) Maritime Safety Committee, nakatugon ang Pinas sa mga itinakdang probisyon ng standards of training, certification ang watch-keeping convention.

Sinabi naman ni Marina OIC-Administrator Vice Admiral Narciso Vingson Jr. na ang patuloy na pagkakasama ng bansa sa IMO whitelist ay sumasalamin sa pagtutok ng pamahalaan sa naturang industriya upang makapag-produce ng globally-competent Filipino seafarers.

Kabilang na dito ang pagpapaigting ng maritime education, training, assessment at certification system.

Sa kabila naman nito ay hinamon ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Marina na tiyakin ang patuloy na pagtuon ng Pilipinas sa International Maritime Standards.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *