Pilipinas, nakapagtala mahigit 2 milyong gumaling sa COVID-19— DOH

Pilipinas, nakapagtala mahigit 2 milyong gumaling sa COVID-19— DOH

UMABOT na sa mahigit dalawang milyon ang kabuuang gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) matapos itong makapagtala ng 20,542 na bagong gumaling sa COVID-19 nitong Martes.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso  ng COVID-19 sa bansa, 7.8% o 177,670 ang aktibong kaso.

Sinabi ng DOH na 85.8 percent sa mga aktibong kaso ay mild, 9.5 percent ang asymptomatic, 0.6 percent ang critical, 1.4 percent ang severe at 2.66 percent ang moderate.

Samantala, ayon sa DOH, ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.

Naiturok na COVID-19 vaccine doses sa bansa, pumalo na sa mahigit 39.14 milyong doses

PUMALO na sa mahigit 39.14 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa hanggang, Setyembre 13, 2021.

Batay ito sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa nasabing bilang, sinabi ni Secretary Roque na 22.06 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng first shot.

Habang 17.07 milyon na ang nakumpleto ng second dose.

Samantala, sinabi ni Roque na hindi pa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force Against (IATF) COVID-19 ang rekomendasyon ng vaccine expert panel na turukan ng COVID-19 booster shots ang mga health workers.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *