dengue casualties
Health

Pilipinas, naitala ang pinakamataas na dengue casualties sa buong Southeast Asia

IKINABABAHALA ng Dept. of Health ang napakataas na bilang ng dengue casualties sa Pilipinas kung saan ito rin ang bansa na may pinakamataas na bilang ng casualty sa buong Southeast Asia.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III sa kaniyang pagdalo sa isang synchronized dengue clean up drive sa lingsod ng San Juan.

Nakapagtataka aniya dahil ang Pilipinas lamang ang nasa kategorya na mas maliit ang bilang ng pagdoble ng dengue cases sa Southeast Asia pero ito naman ang may pinakamataas sa death cases.

Ayon sa kalihim,  ang Singapore, Thailand,  at Vietnam ay halos pumalo ng 300% to 400% increase ang kanilang kaso ngunit nananatiling nasa .02% lang ang death cases.

Ibig sabihin ani Duque, kung ikukumpara sa Pilipinas, nagkukulang pa ang bansa sa preventive measures at mismong pagsunod sa mga ipinatutupad na polisiya at programa laban sa sakit na dengue.

Kaya giit ng kalihim panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kasama na ang mga payo ng doktor para makaiwas sa nakamamatay na sakit na dengue.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *