Pilipinas, makakuha ng 40 milyong libreng bakuna mula sa COVAX facility

Pilipinas, makakuha ng 40 milyong libreng bakuna mula sa COVAX facility

MAKAKAKUHA ng 30-40 million na libreng bakuna mula sa COVAX facility ang Pilipinas ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr.

Ayon kay Galvez, dagdag sa naunang sinecure na 148 million doses ng bansa ang naturang libreng bakuna ng COVAX facility.

Asahang darating ang mga ito sa susunod na buwan kung kaya’t hinahanda na ng pamahalaan ang kakailanganin ng mga bakuna mula sa transportasyon, storage at distribusyon.

Saad naman ni Dr. Valencia, handa na ang mga pribadong sektor at RITM na tanggapin ang mga darating na bakuna.

Kabilang sa mga ihahandog ng COVAX facility ay mga bakuna na dinedevelop ng Pfizer-BioNTech at Johnson&Johnson na parehong mula sa Estados Unidos, AstraZeneca na gawa ng isang Brittish-based company at Covavax ng Serum Institute of India.

Hindi pa rin tiyak kung alin sa mga bakuna ang mauunang darating, ngunit ayon kay Galvez posibleng unang magagamit ng bansa ang Pfizer.

Sa usaping distribusyon ng mga bakuna, ipinaliwanag ni Health Usec. Rosario Vergerie na mula sa RITM, dadalhin ito sa mga warehouse o hub ng bawat rehiyon kung saan ang regional centers for health development ang naatasang magbaha-bahagi sa bawat local government unit.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng bakuna ngunit paalala ni Secretary Galvez sa publiko mas malaki ang proteksyon ng bawat isa mula sa COVID-19 kung ang lahat ay patuloy na susunod sa minimum health standards kahit pa may bakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *