patungong Malacañang
National

Pilipinas, magpapatulong sa US sa pag-monitor sa Chinese ships sa EEZ

MAY posibilidad na humingi ng tulong ang Malakanyang sa United States sa pagmomonitor sa Chinese ships na pumapasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Kasunod ito ng ulat na pagdaan ng dalawang Chinese warship sa Sibutu Strait nang walang paalam sa gobiyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayroong Defense treaty ang Pilipinas sa Amerika na nilagdaan ng Maynila at Washington noong 1951 bilang magka-alyadong bansa.

Ikinabahala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdaan ng apat na beses ng mga barko ng China sa strait sa katimugang dulo ng Pilipinas.

Nilinaw ni Lorenzana na batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ang mga Chinese commercial vessel ay hindi na kailangang humingi ng permiso mula sa mga awtoridad ng Pilipinas dahil sa innocent passage principle.

Pero sa kabila nito, kailangang pasabihan ng China ang Pilipinas kung dadaan ang mga barkong panggiyera nito sa karagatan ng Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *