FIBA 3x3 Challenger
Sports

Pilipinas, magho-host ng kauna-unahang FIBA 3×3 Challenger

NAKATAKDANG ilunsad ang kauna-unahang FIBA 3×3 Challenger na gaganapin sa bansa ngayong Setyembre.

Inaasahan ang bakbakan sa pagitan ng Top 3×3 Teams ng bansa na Pasig at Balanga laban sa 2019 Chooks to Go challenger na gaganapin sa isang events center sa Quezon City.

Pangungunahan naman ng World No. 105 Joshua Munzon ng Pasig at World No. 11 Alvin Pasaol ng Balanga ang kani- kanilang mga koponan para makatapat ang sampu pang teams na manggagaling sa iba’t ibang bansa.

Habang ang tatanghaling mananalo sa Manila Challenger ay magkakaroon ng pagkakataong maimbitahan sa 2019 FIBA 3×3 World Tour Jeddah Masters na gaganapin sa darating na October 18 at 19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *