Pilipinas, magbebenta ng excess oxygen supply sa Indonesia sa gitna ng COVID-19 pandemic

Pilipinas, magbebenta ng excess oxygen supply sa Indonesia sa gitna ng COVID-19 pandemic

MAGBEBENTA ang Pilipinas ng excess oxygen supply sa Indonesia para matulungan ang mga kapitbahay na bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee hiong Wee na nakipagkita siya kay Philippine Trade Secretary Ramon Lopez sa planong pag-export ng oxygen tanks sa Indonesia.

Ani Wee, kulang ang suplay ng oxygen tanks sa Indonesia at napakamahal.

Matatandaang, nagkaroon ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia dahil sa nakahahawang Delta variant.

Una na ring inunsyo ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagpasok ng mga biyahero mula sa Indonesia upang maiwasan ang pagpasok ng Delta strain.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *