mobile internet speed
National

Pilipinas, kabilang sa mabagal na mobile internet speed sa buong mundo

KABILANG ang Pilipinas sa mga bansang may mabagal na mobile internet speed sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling report ng Mobile Analytics Company OpenSignal, mula sa kabuuang 87 na bansa ay pang-11 ang Pilipinas sa may pinaka-mabagal na upload speed habang pang-16 sa may slowest download speed.

Lumabas din sa “The State of Mobile Network Experience” report na kabilang ang Pilipinas sa 20 na bansa na ang download speed experience ay nasa 10 megabits per second o mbps pababa.

Sa kabila nito ay bahagya namang mabuti ang download speed na 7 mbps ng Pilipinas kumpara sa 6.9 mbps ng Indonesia at 6.8 mbps ng India.

Tanging sa South Korea lamang na-e-enjoy ng smartphone users ang average mobile download speeds na mahigit 50 mbps at sumunod dito ang Norway na may 48.2 mbps.

Batay din sa nasabing report, nasa 2.2. mbps ang mobile upload speeds sa Pilipinas na bahagyang mabilis kumpara sa 2.1 mbps ng india at Ivory Coast.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *