Pilipinas kabilang sa 60 na bansang maglalaro sa FIBA Esports Open III

Pilipinas kabilang sa 60 na bansang maglalaro sa FIBA Esports Open III

KABILANG ang Pilipinas sa 60 national teams na magiging bahagi ng ikatlong edisyon ng FIBA Esports Open III na magsisimula ngayong Biyernes, April 16.

Ayon sa pahayag ng basketball body, makakasama ng Pilipinas na maglalaro sa South-East Asia conference tournament ang Indonesia, Mongolia, Maldives, Sri Lanka, at Vietnam.

Matatandaan na nanguna ang Pilipinas sa Southeast Asia conference noong Hunyo 2020 sa inaugural edition ng FIBA esports open habang pangalawa naman sa Southeast Asia/Oceana conference noong Nobyembre.

Bukod sa South-East Asia conference, isasagawa din ngayong weekend ang mga laro ng Africa at Middle East.

Ang FIBA Esports Open III ay inaasahan rin na makagagawa ng kasaysayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng dalawang division ang North and Central America at Europe conferences – ang Current generation na maglalaro sa PS4, at ang Next generaltion na maglalaro sa PS5.

Magsisimula naman ang kanilang tournament sa Abril 23.

Ang mga laro ng Group A, B at C ay magaganap sa Clark City sa Pampanga mula Hunyo 16-20, habang ang mga laro ng Group E at F ay gaganapin sa Amman, Jordan mula Hunyo 12-14.

Samantala, isa rin sa inaabangan ngayon ang pag-host ni Filipino-American basketball player Jordan Clarkson sa Pilipinas para sa natitirang laro ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.

Ang listahan ng labing-anim na koponan ng FIBA Asia Cup 2021 ay nakumpleto kung saan gaganapin sa Agosto 12 at 14 sa Jakarta, Indonesia ang Qualifying Tournament para sa third-ranked teams.

Patuloy naman na nakasubaybay ang FIBA sa sitwasyon laban sa COVID-19 para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro at sa mga karagdagang update hinggil sa palaro.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *