CORONAVIRUSNational

Pilipinas, isinailalim sa state of calamity dahil sa COVID-19

NASA ilalim na ngayon ng state of calamity ang buong Pilipinas dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Idineklara ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa bansa.

Batay sa deklarasyon ng pangulo, tatagal ang state of calamity anim na buwan at maaari pa itong mapaiksi o mapalawig depende sa magiging sitwasyon ng virus sa bansa.

Sa ngayon, ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa boung Luzon.

Inatasan din ng pangulo ang lahat ng local government unit (LGU) na umalalay sa publiko sa panahon ng emergency.

Sa ilalim ng state of calamity ay maaaring gamitin ng mga LGUs ang kanilang quick response fund upang matugunan ang pangangailangan sa kanilang lugar.

DOH, inilunsad ang COVID-19 emergency hotlines

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang emergency hotlines para sa coronavirus disease 2019 sa bansa.

Maaari ng tawagan ang hotline number na 02-894-COVID 0 02-894-26843 at 1555 para sa Smart at PLDT subscribers.

Bukas naman ang hotline sa 24 na oras mula Lunes hanggang Linggo.

Maaari namang gamitin ang 1555 hotline para sa ibang network dahil patuloy pa ring sinasaayos ang technical adjustments para dito.

Dahil dito, makakatawag na ang mga gustong magtanong at mag-request ng assistance kung nakakaramdam ang mga ito ng sintomas o nakahalubilo ito ng may COVID-19.

Magugunita na una ng inirekumenda ang hotline 8888 na gawing COVID-19 hotline.

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close