Pilipinas, ika-66 sa 91 bansa pagdating sa paglaban kontra COVID-19 —The Lancet

Pilipinas, ika-66 sa 91 bansa pagdating sa paglaban kontra COVID-19 —The Lancet

INILAGAY ng isang International Medical Journal na The Lancet ang Pilipinas sa ika-66 sa 91 bansa pagdating sa paglaban kontra sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Lancet COVID-19 Commission, sinabi nito na isa sa mga dahilan ang “medical populism” ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nasa mababang pwesto ang bansa pagadating sa paglaban sa COVID-19.

Base sa Lancet, ang ibigsabihin ng medical populism ay ang pag-downplay sa epekto ng pandemic sa pamamagitan ng pagmungkahi ng madadaling solusyon o treatment.

Iginiit ng Lancet COVID-19 Commission na ang istilo ng ganitong klaseng pamamahala ay hindi lamang nakakaapekto sa implementasyon ng mga non-pharmaceutical interventions gaya ng pagsusuot ng facemask, dahil nagsasanhi din ito ng misimpormasyon at rumor trafficking.

Matatandaan na sa dalawang public address ni Pangulong Duterte ay sinabi nitong maaaring gamitin ang gasolina bilang disinfectant at iginiit din nito na hindi siya nagbibiro nang sinabi niya ito.

Bukod kay Pangulong Duterte, isinama din ng Lancet sina United States President Donald Trump at Brazilian President Jair Bolsonaro sa listahan ng mga nagpakita ng medical populism.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *