Pilipinas
National

Pilipinas, hindi pa handa sa Federalismo

Hindi pa napapanahon para isailalim sa Federal Form of Government ang Pilipinas.

Ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano, hindi pantay ang antas ng ekonomiya ng bawat rehiyon kung gagawin itong Federal State.

Ani Alejano, magiging kawawa ang ibang rehiyon na hindi pa maunlad ang ekonomiya dahil sa hindi pantay na resources at pagkukunan ng pondo mula Sa Internal Revenue Allotment o “IRA” na hindi galing sa national government.

Katunayan, karamihan sa mga rehiyon ay mas malaki pa ang gastos kaysa sa local income bagay na hindi akma para maging Federal State ang isang teritoryo.

Matatandaan na kamakailan ay iginiit naman ni Socio Economic Secretary Ernesto Pernia na hindi pa handa ang Pilipinas para maging federal nation dahil sa mababang economic capacity ng karamihan sa mga rehiyon.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *