Laos
National

Pilipinas, handang tumulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Laos

Nakahandang tumulong ang Pilipinas sa bansang Laos kasunod ng matinding pagbaha na ikinasawi ng dosenang tao at daan-daan pa ang nawawala.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, anuman ang hihinging tulong ng Laos ay nakahanda naman ang Pilipinas na tumulong.

Fast recovery para sa Laos

“We hope and pray for the safe recovery of the many who were reported missing.”

“ Manila is ready to assist in whatever way it can if requested.” – Sec. Alan Peter Cayetano, DFA

Nagpaabot din ng simpatiya ang kalihim sa nasabing trahedya.

“Our thoughts are with the government and people of Laos as they cope with this tragedy.” – Sec. Alan Peter Cayetano, DFA

Nakarehistro sa embahada mga kababayang Pinoy  ngunit walang naiulat na apektadong dulot ng baha.

Matatandaan gumuho ang isang hydroelectric dam sa Southeastern Laos na tumangay sa mga bahay at nagdulot ng matinding baha kung saan mahigit anim na libo ang nawalan ng tirahan.

Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *