SEA Games
Sports

Pilipinas, handa na sa pag-host ng 2019 SEA Games

NAKATAKDANG mag-host ng 30th Edition ng South East Asian o SEA Games ang bansa.

Kaugnay nito, walang patid ang ginagawang paghahanda at preparasyon ng Philippine Olympic Committee sa paparating na 2019 Southeast Asian Games.

Ito ay magsisimula sa November 30 na tatagal hanggang December 11 ngayong taon.

Pamumunuan naman ng bagong talagang POC Chairman na si Bambol Tolentino ang ahensya na siyang mangunguna sa pagtitiyak ng kaayusan sa nasabing regional multi-sport event.

Target naman ng mga namumuno sa mga pangunahing komite ng sports ng bansa na magtapos sa top 3 ang Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *