Pia Wurtzbach, destiny ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ang manalo

Pia Wurtzbach, destiny ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ang manalo

SA Youtube Show ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na Queentuhan, ito ang binigyang-diin niya matapos maraming nagdududa sa naging resulta ng Miss Universe ngayong taon.

Ani Pia, walang manunuod sa Miss U kung luto ito kung kaya’t sana ay huwag na itong pagdudahan pa. Dagdag pa nito, kung Pilipinas naman ang mananalo, wala aniyang sumisigaw na luto ang resulta.

Mas mainam na tanggapin nalang ng bawat isa ang resulta. May konting kirot man siyang nararamdaman sa pagkatalo ni Rabiya Mateo, excited rin naman sya para kay Andrea Meza mula sa Mexico para sa kanyang reign bilang Miss Universe 2020.

Samantala, pinangaralan din ni Pia Wurtzbach ang lahat ng pageant fans na bashers na ang layunin aniya ng Miss Universe ang magkaisa.

Dapat ayon sa Queen, ihinto na ang bashing dahil pagkawatak-watak lang ang maidudulot nito.

Samantala, bumuhos naman ang suporta kay Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin ang nanalo sa National Costume Competition ng 69th Miss Universe.

Miss Universe Myanmar, Thuzar Wint Lwin
Miss Universe Myanmar, Thuzar Wint Lwin

Sa kanyang Instagram post, umaasa siyang nabigyan niya ng karangalan ang kanyang bansa sa kabila ng kinakaharap nitong krisis sa pulitika.

Maraming nagaganap na kilos-protesta at mga sibilyan na nagbubuwis ng buhay para mabawi ang demokrasyang inagaw sa kanila. Hindi man nagamit ni Thuzar ang kanyang national costume dahil sa aberya, nagawan pa rin nito ng paraan at naihatid sa buong mundo ang kanyang mensahe na ipagdasal ang kanyang bansa.

Bago umalis si Thuzar sa Myanmar para sa Miss universe 2020, aktibo siya sa mga kilos-protesta sa kanilang bansa at ginagamit niya ang social media para kondenahin ang naganap na coup d’etat noong February 2021.

Ngayong tapos na ang pageant, alam nitong hindi pa siya agad makakabalik sa kanyang bansa. Bukod sa nakuha nito ang best in national costume, nakapasok din si Thuzar sa Top 21 ng Miss Universe 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *