Pia Wurtzbach, binatikos ang komento ng netizen na deserve niya na magka-Covid

Pia Wurtzbach, binatikos ang komento ng netizen na deserve niya na magka-Covid

BINATIKOS ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang komento ng netizen na deserve niya na magka-Covid.

HINDI ikinatuwa ni Pia Wurtzbach ang komento ng isang netizen na sinabing deserve nya ang magka-Covid dahil umano sa kanyang pagbibiyahe.

Hindi napigilang ipahayag ng beauty queen ang pagkakadismaya nito na sinisisi pa siya sa pagkakaroon niya ng virus.

Sa Instagram post, sinabi ni Pia na binura na niya ang komento ng netizen ngunit anya hindi sya makapaniwala na may mga tao na natutuwa sa kapwa na nagpopositibo sa Covid-19.

Dagdag pa ni Pia, kilabutan anya ang mga nagsasabi at nagkokomento ng mga bagay na ito at sinabing hindi sana nila maranasan o mahawaan ng virus.

Matatandaang noong January 7, 2022 ibinahagi ni Pia sa Instagram na sya at ang kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach ay nagpositibo sa Covid-19 sa London kung saan nagbabakasyon siya kasama ang kanyang pamilya.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang German-Filipino beauty queen.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *