Phoenix Suns, pasok na sa Western Conference Finals

Phoenix Suns, pasok na sa Western Conference Finals

PASOK sa Western Conference Finals ang Phoenix Suns matapos na ma-sweep ng Suns ang Denver Nuggets sa West Semifinals sa record na 4-0.

Nanguna sa Suns ang tinaguriang Point God at beterano na si Chris Paul na nakagawa ng 37 points at 7 assists, katulong si Devin Booker na nakagawa naman ng 34 points at 11 rebounds.

Samantala ejected naman ang reigning MVP na si Nikola Jokic matapos itong maka-commit ng Flagrant 2 Foul matapos nitong natamaan sa mukha si Cameron Payne.

Ito na ang muling pagpasok ng Phoenix Suns sa West Finals mula noong 2010.

Makakaharap ng Phoenix Suns ang mananalo sa Utah Jazz at Los Angeles CLippers na sa ngayon ay nasa 2-1 na ang record, pabor sa Jazz.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *