magreretiro
Sports

Phoenix big man Doug Kramer, magreretiro na matapos ang 12 taon sa liga

MAGRERETIRO na paglalaro si Phoenix big man Doug Kramer.

Sa kaniyang social media accounts, inanunsyo ni Kramer ang kaniyang pagreretiro matapos ang labindalawang taon sa liga.

Sinabi ni Kramer na matapos ang kaniyang huling laro sa PBA games ay tuloy na ang kaniyang pagreretiro.

Mamaya ay haharapin ng Phoenix ang Blackwater Elite sa Smart Araneta Coliseum.

Susubukang makabawi ng Phoenix, na nasa kulelat na 2-8 kartada, lalo pa’t malapit nang matapos ang elimination round ng Governors’ Cup.

Matapos ma-draft bilang fifth overall ng Air21 Express noong 2007, naglaro rin si Kramer sa mga koponan ng Globalport (Northport) at San Miguel Beer.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *