dahil sa Bagyong Tisoy
National

Phivolcs, nagbabala sa pagdaloy ng lahar dahil sa Bagyong Tisoy

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng banta ng pagdaloy ng lahar dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa Bagyong Tisoy.

Ayon kay Phivolcs Director Usec. Renato Solidum, maaring dumaloy pababa ang mga lahar deposits sa mga river channels na naipon kagaya ng makapal na Pyroclastic Density Current (PDC) material at ash fall sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon noong Enero hanggang Marso 2018.

Inalerto din ng Phivolcs ang mga local disaster management officials gayundin ang mga residente na nasa hazard areas na lumikas sakaling tumaas ang lebel ng tubig.

Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ng Phivolcs ang deposito ng lahar sa watershed areas ng Miisi, Mabinit, Buyuan at Basud channels na maaaring maibaba ng bagsak ng ulan.

Posible rin maibaba ang ilan pang volcanic deposits sa Matan-Ag, Masarawag-Maninila at Quirangay channels.

Nananatili namang nakataas sa Alert Level 2 status o moderate level of unrest ang naturang bulkan.

Minomonitor din ng Phivolcs ang ilang deposito na naipon sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *