earthquake drill
National

Phivolcs, hinikayat ang publiko na makiisa sa gagawing earthquake drill

HINIKAYAT ng Phivolcs ang publiko na makiisa sa isasagawang ikatlong quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill mamayang hapon.

Sa abiso ng Phivolcs, ganap na 2:00 ng hapon magsisimula ang earthquake drill at gaganapin ang ceremonial pressing of the button na hudyat ng pagsisimula ng NSED sa Ormoc City sa Leyte kung saan naganap ang magnitude 6.5 na lindol noong 2017.

Hinimok ng kagawaran ang lahat na sabay-sabay na mag-duck, cover, and hold pagsapit ng nabanggit na oras.

Ayon sa Phivolcs, gagayahin ng Ormoc City ang senaryo ng Intensity 8 batay sa banta ng Magnitude 7.2 event mula sa Leyte segment ng Philippine Fault Zone.

Una nang sinabi ng Phivolcs na layon ng NSED na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol o ang tinatawag na “The Big One.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *