Philippine Super Liga, magbalik-ensayo pagkatapos ng MECQ

Philippine Super Liga, magbalik-ensayo pagkatapos ng MECQ

NAKUHA na ng Philippine Super Liga (PSL) ang permiso ng Department of Health na muling magbalik-ensayo kapag natapos na ang Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR at mga karatig-probinsya.

Masayang ibinalita mismo ng PSL Chair Popoy Juico na inaprubahan ng DOH ang ipinasa nilang health and safety protocols na may kasama lang na ilang rekomendasyon.

Aniya, malaking development ito dahil sila ang unang volleyball league na pinayagang magbalik-ensayo at sinisiguro nila sa gobyerno na gagawin nila ang lahat upang masunod ang protocols at maging ligtas para sa lahat ang kanilang training.

Sa ngayon naman ay nais ng PSL na payagan ng DOH ang pagpapatuloy ng naudlot nitong season matapos na makansela ang 2020 Grand Prix noong nakaraang Marso dahil pa rin sa coronavirus pandemic.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *