Philippine skating chief na si Josie Veguillas, pumanaw na

Philippine skating chief na si Josie Veguillas, pumanaw na

PUMANAW na ang presidente ng Philippine Skating Union na si Josie Veguillas sa edad na 74 dahil sa sakit na cancer.

Bumuhos ang tribute sa Facebook para kay Veguillas na tumulong na magpasikat ng sport na skating sa bansa kasama ang kanyang pumanaw na ring asawa na si Pocholo.

Si Veguillas ang gumabay kay Michael Martinez hanggang sa makipagkumpitensya ito sa Sochi Olympics noong 2014 at Pyeongchang Olympics noong 2018.

Nagpahatid naman ng pakikiramay si Philippine Sports Commissioner Ramon Fernandez sa pagpanaw ni Veguillas.

Sinabi ni Fernandez na hindi lamang sa skating ang naging kontribusyon ng skating chief kundi pati na din sa kabuuang Philippine sports.

Sa pamumuno ni Veguillas, nakakuha ang Philippine Skating Union ng dalawang silver medals dahil kina Christopher Caluza at Alisson Krystle Perticheto sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Veguillas sa Loyola Memorial Chapel sa Parañaque.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *