Philippine representative sa Miss Eco Teen International 2020 patuloy na humahakot ng awards sa Egypt

Philippine representative sa Miss Eco Teen International 2020 patuloy na humahakot ng awards sa Egypt

PATULOY na naghahakot ng awards si Roberta Ann “Ro-An” Tamondong sa Miss Eco Teen International 2020 Pageant sa Egypt at kasalukuyang may 3 na itong awards.

Itinanghal na second runner-up si Ro-An sa pageant’s talent competition, First Runner-up sa Beach Wear Prime Competition, at nanalo din sa Best Eco Dress Award.

Ayon kay Ro-An nagulat daw siya ng tawagan siya Miss World Philippines Organization (MWPO) at tinatanong kung interasado siyang sumali sa paligsahan.

Sobrang saya ni Ro-An at agad na ipinaalam sa kanyang magulang at sinuportahan naman siya ng mga ito.

Samantala, gaganapin naman Grand Coronation Night ng Miss Eco Teen International 2020 sa darating na December 6, 2020, sa Albatros White Beach Resort sa Hurghada.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *