Philippine Consulate sa New York, lumahok sa panawagan vs anti-Asian hate

Philippine Consulate sa New York, lumahok sa panawagan vs anti-Asian hate

LUMAHOK ang Philippine Consulate General sa New York sa panawagan ng Asian community na itigil na ang tumataas na krimen laban sa Asian sa Amerika.

Pinakahuling naging biktima ng anti-Asian hate ang isang 65-anyos na Pilipina na nangyari sa Manhattan.

(BASAHIN: Brutal na pag-atake sa isang Pinay sa New York, umani ng pakabalisa)

“We take this opportunity to thank the New York Police District and its Asia Hate Crime Task Force for their dedication to their work and their quick action in apprehending Elliot,” saad ni Philippine Consul General Elmer Cato.

Tinukoy ni Cato ang suspek sa insidente sa Manhattan na si Brandon Elliot, 38-taong gulang, na kinasuhan dahil sa assault at hate crime matapos pagtadyak-tadyakin ang biktima na si Vilma Kari kasabay nagpalabas nito ng anti-Asian na pahayag noong Marso 29.

Pinangasiwaan ang nasabing rally ng Chinese-American Citizens Alliance of Greater New York sa labas ng Manhattan criminal court para hilingin ang hustisya para kay Kari.

“Today, Brandon Elliot will appear in this Criminal Court, and to him we say Vilma belongs here, Asians in New York belong here, everyone belongs here,” ayon kay Cato.

“I can see in Vilma the face of my mother and other elderly Asian women living in New York, who, due to the recent spate of violence against Asians, would not even want to leave the safety of their homes anymore for fear that they, too, would be violently assaulted,” dagdag ni Cato.

Maliban kay Kari, biktima rin ng pag-atake ang isang 61-anyos na Filipino immigrant na si Noel Quintana kung saan nahiwa ang mukha nito gamit ang isang box cutter habang lulan ng subway patungo sa kanyang trabaho sa Manhattan ilang linggo na ang nakararaan.

“This cases hit close to home, since we, Asians, revere our elders. It is part of our DNA to look after our elderly. This is why Elliot’s violent attack on Vilma had been particularly distressing to all of us,” ayon ni Cato.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *