PhilHealth, nakabayad na ng P800-M sa kanilang utang sa Red Cross

PhilHealth, nakabayad na ng P800-M sa kanilang utang sa Red Cross

NAKAPAGBAYAD na ang PhilHealth ng P800 milyon mula sa kanilang P1.1 bilyon na utang sa Philippine Red Cross.

Sinabi ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon na nagbigay ng karagdagang P100 milyon ang PhilHealth sa Red Cross para bayaran ang utang nito para sa COVID-19 tests.

Gayunman, sinabi ng senador na patuloy na nadadagdagan ang utang ng PhilHealth matapos ibalik ng Red Cross ang coronavirus tests.

Inisyal na nagbayad ang PhilHealth ng P500 milyon sa Red Cross habang ang P300 milyon ay binayaran ng tatlong installments.

Matatandaang Oktubre 14 nang pansamantalang itinigil ng PRC ang pagsasagawa ng COVID-19 tests na sagot ng PhilHealth dahil sa utang ng state insurer sa kanila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *