John Basa
National

PhilHealth EVP at COO John Basa, itinalaga bilang OIC ng kagawaran

ITINALAGA bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang corporation’s Executive Vice President at Chief Operating Officer na si John Basa.

Gayunman, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa ibang bansa pa si Basa at sa Lunes pa darating.

Habang wala aniya si Basa, ang senior vice president ng PhilHealth’s Management Services Sector na si Dennis Mas ang pansamantalang magiging OIC.

Unang nang napaulat na napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Dr. Jaime Cruz bilang susunod na presidente ng PhilHealth.

Kasunod ito ng utos ng pangulo kay PhilHealth President Roy Ferrer at sa mga board member nito na magsumite ng kanilang courtesy resignation sa gitna ng alegasyon ng ghost dialysis treatments.

Sinabi ni Duque na hindi pa pormal na tinatanggap ng pangulo ang courtesy resignation ng ilang opisyal ng PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *