wagi
Sports

Philadelphia 76ers, wagi kontra New York Knicks sa NBA Regular Season game

Wagi ang Philadelphia 76rs sa tunggalian nila ng New York Knicks ngayong araw sa nagpapatuloy na NBA Regular Season.

Tinapos ng 76ers ang game sa score na 109-104.

Pinangunahan naman ni Ben Simmons ang Philadelphia na nakapagpuntos ng 18 points at 13 assists.

Naitala din ni Simmons ang kaniyang kauna-unahang 3-pointer sa buong NBA career.

Sa kabilang banda, ito naman na ang ika-siyam na sunod na pagkatalo ng New York Knicks.

Sunod naman na makakaharap ng Philadelphia 76ers ang San Antonio Spurs sa biyernes habang makakalaban naman ito ng Knicks sa sabado.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *