laglag
Sports

PH Women’s team, laglag na sa 2020 badminton Asia Team championships

NALAGLAG na ang PH Women’s team sa 2020 Badminton Asia Team Championships matapos manguna ang Indonesian players sa score na 5-0.

Tinalo ni Georgia Tunjung si Nicole Albo sa score na 19-21, 21-11, 21-9.

Wagi din ang power duo na sina Greysia Polii at Apriyani Rahayu kontra kina Alyssa Leonardo at Thea Pomar sa puntos na 21-18, 21-12.

Matagumpay din si SEA Game Silver medalist Ruselli Hartawan kontra kay Bianca Carlos na tinapos ang match sa score na 21-10, 21-18.

Pinataob naman nina Siti Fadia Ramadhanti at Ribka Sugiarto sina Geva De Vera at Chanelle Lunod sa final score na 21-7, 21-8.

Panalo din si Putri Kusuma Wardani sa laban nila ni Sarah Barredo sa score na 21-19, 21-14.

Sunod naman makakaharap ng team Indonesia ang Thailand ngayong araw at target na makakuha ng spot sa Group Y.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *