PGH, iniulat na walang naitalang bagong COVID-19 admission sa ospital nito sa huling dalawang araw

PGH, iniulat na walang naitalang bagong COVID-19 admission sa ospital nito sa huling dalawang araw

SINABI ni Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Jonas del Rosario na walang COVID-19 patient ang naitala sa ospital sa nakalipas na dalawang araw.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, ang PGH, ang pinaka malaking COVID-19 referral facility ng bansa ay mayroon na lamang 54 na COVID-19 patients.

Naglaan ang ospital ng PGH ng 350 na bed capacity para sa COVID-19 patients sa kalagitnaan ng naunang pagtaas ng impeksyon ng COVID-19.

Sinabi rin ni Del Rosario na ang pagbaba ng hospital admissions ay dahil na rin sa mataas na vaccination rate sa Meto Manila.

Noong Nobyembre, iniulat ng pamahalaan na 94% ng target population ng Metro Manila ay mayroon nang kumpletong bakuna laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *