PGH COVID-19 bed capacity, nanatili sa mahigit 90%

PGH COVID-19 bed capacity, nanatili sa mahigit 90%

NANANATILING mataas ang bilang ng COVID-19 admissions sa Philippine General Hospital (PGH) na may occupancy rate na mahigit 90 percent.

Ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario, 234 sa 250 allotted COVID-19 beds sa ospital ang kasalukuyang okupado.

Puno rin aniya ang Intensive Care Unit (ICU) ng ospital.

Sinabi ni Del Rosario na nasa 80 pasyente pa ang naghihintay na ma-admit sa charity ward ng PGH.

Kung pagbabasehan ang bilang ng virus cases sa PGH, sinabi ni PGH spokesperson na mas mabuting palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) matapos ang Mayo 14.

Gayunman, sinabi ni Del Rosario na titingnan pa rin nila kung magbabago ang nasabing bilang sa 2-week MECQ.

(BASAHIN: PGH, pansamantalang itinigil ang pagtanggap ng walk-ins dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19)

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *