Personal remittances
National

Personal remittances ng mga OFWs noong Hunyo, tumaas

TUMAAS ang personal remittances ng mga overseas Filipino worker noong Hunyo.

Batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa 2.9 billion dollars ang mga ipinadalang pera o in-kind ng mga OFW.

Mas mataas ito ng 7.2% kumpara sa 2.7 billion dollars na personal remittances noong kaparehong buwan ng 2018.

Mula January hanggang July 2019, sinabi ng bsp na umabot sa 19.1 billion dollars ang personal remittances, mas mataas ng 3.6 percent mula sa 18.5 billion dollars noong 2018.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na ang paglago ng personal remittances sa loob ng unang pitong buwan ng taon ay mula sa remittance inflows ng land-based overseas Filipino workers.

Nakapag-ambag din aniya ang perang padala ng mga sea-based workers at land-based workers na mayroong short-term contracts abroad.

Dagdag pa ng BSP, mula Enero hanggang Hulyo ay umabot ang cash remittances sa $17.2 billion na 3.9% na mas mataas kumpara sa $16.6 mula sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *