mahigit 5 milyon
Showbiz

Pelikulang “Unforgettable” ni Sarah Geronimo, kumita na ng mahigit 5 milyon sa takilya

UNANG araw pa lang ay certified box office hit na ang pelikulang “Unforgettable” ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Ito ay matapos agad na kumita sa takilya ng 5.1 million pesos ang dog movie sa first showing day nito.

Labis naman ang pasasalamat ng production team ng pelikula sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang obra na inilabas sa 216 na sinehan sa buong bansa.

Tampok at kasama ni Sarah sa naturang pelikula ang wonder dog at social media star na si Milo na isang Jack Russel Terrier.

Trending topic din ang “Unforgettable” sa social media dahil sa positive reviews ng mga nakapanuod.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *