Pekeng Pfizer vaccine, mahigpit na binabantayan para hindi makapasok sa bansa

Pekeng Pfizer vaccine, mahigpit na binabantayan para hindi makapasok sa bansa

MAHIGPIT na binabantayan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagpasok ng pekeng Pfizer vaccine sa bansa.

(BASAHIN: Pilipinas, wala pang namonitor kaugnay sa pekeng Pfizer na naglipana sa ibang bansa)

Matapos lumabas ang balita na mayroon nang mga fake Pfizer vaccine na kumakalat sa Mexico at Poland.

Sinasabing nagkakahalaga ang mga pekeng bakuna ng US$2,500 o katumbas na P120,525.

Ayon kay (CIDG) Director Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro na tanging mga namomonitor at nahuhuli pa lamang nila ay ang mga nagbebenta online ng mga medisina kontra COVID-19.

“As of this time we haven’t monitored itong fake na Pfizer(vaccine) ang mga nahuhuli po natin is yung mga profiteering yung mga hindi authorized na magbenta ng mga COVID-19 medicines or drugs especially yung mga nagbebenta online bawal po yung online prescription so again we would like to remind the public na kailangan yung prescription ay manggagaling talaga sa legitimate na doctor hindi po yung online,” pahayag ni Ferro.

Ito rin ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya.

“Dito sa ating bansa ay hanggang ngayon ay wala pa namang tayong namomonitor na nagbebenta nito pero tayo po ay nakikipag-ugnayan na sa ating Bureau of Custom at Food and Drug Administration para masiguro po natin na hindi po makakapasok sa ating bansa ang mga bakuna na ito,” ani Malaya.

Sinabi rin ni General Ferro na hindi lang sila nakatutok sa mga pekeng bakuna kundi maging sa mga hindi awtorisadong nagbebenta

“Actually hindi lang po fake yung ating mga tinututukan kung hindi po kasama po dito po yung mga overpricing na mga profiteering na mga individual kaya last several days ago we arrested those who are selling these drug for COVID-19 na binebenta mismo sa harap ng hospital so na finalan po natin sila ng kaso ah base sa FDA laws and yung Profiteering Act,” ayon kay Ferro.

May panawagan naman si Usec. Malaya sa publiko hinggil sa pekeng bakuna.

“Nananawagan po ang DILG kasama po ang ating vaccine czar si General Galvez sa ating mga kababayan na kung meron po kayong makikitang pekeng bakuna ay i-report nyo kaagad sa mga kinauukulan, madali lang naman malaman ang pekeng bakuna dahil hindi po ito yung anyo at hugis ng Pfizer vaccine,” dagdag ni Malaya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *